Magsasagawa ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng reblocking at repairs sa ilang kalsada sa Metro Manila ngayong weekend.

Sa inilabas na traffic advisory ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), dakong 11:00 ng gabi ng Biyernes, Marso 18, sisimulan ng DPWH ang pagkukumpuni sa EDSA-Caloocan Southbound harapan ng Biglang Awa St. (5th lane buhat sa sidewalk); EDSA Southbound Quezon City bago Panay Ave (service road) (2nd lane mula sa sidewalk); EDSA-Quezon City Northbound sa EDSA malapit sa Quirino Highway exit; EDSA-Quezon City Northbound bago Gate 3 (1st lane mula sa Bus Lane); EDSA-Quezon City Northbound pagkatapos ng Annapolis St. hanggang mag-Boni Serrano flyover (2nd lane buhat sa MRT line) pagkatapos ng B. Serrano flyover hanggang bago flyover P. Tuazon flyover (2nd lane mula sa MRT line); EDSA Pasay City innermost lane (bus way) E. Rodriguez St. papuntang C. Jose St.; at C.P. Garcia Ave bago mag- KM 14 (3rd lane magmula sa sidewalk)

Ang mga apektadong kalsada ay bubuksan sa trapiko sa Lunes, Marso 21 sa ganap na 5:00 ng madaling araw.

Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta upang hindi maabala.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!