Hindi pa rin matatawaran ang powerhouse charm ng Pilipinas matapos itanghal na Miss Eco International 2022 ang Pinay na si Kathleen Paton nitong Biyernes, Marso 18.

Sa kanyang winner answer, ibinahagi ng 24-anyos na beauty queen mula Aklan na bilang isang lider at may impluwensya sa lipunan, kailangan minsan maging neutral at mag-udyok na ipaglaban kung ano ang tama.

Basahin ang kanyang buong winning answer:

"As a titleholder, you’re public figure. Do you think it’s important to stay neutral on controversial social issues or to use your title to promote your own belief and why?"

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

"Wow. Good evening everyone! It’s a very tough question in all honesty because we are at a forefront of opinions and negativity, especially in social media. I do believe as a leader and someone who is very influential in society, we sometimes have to use our voice in a neutral state of mind because we have a very influential position. By doing so, we also need to use our voice to motivate other people to stand up for what is right, and I think that takes a lot of good moral compass. Thank you!"

Pinalakpakan ng mga hurado sa bansang Egypt ang naging sagot na ito ng Pinay queen.

Panalo naman ang Belgium bilang 1st runner-up; USA, 2nd runner-up; Spain, 3rd runner-up; at Malaysia, 4th runner-up.

Si Paton ang pangalawang Miss Eco International mula sa Pilipinas na huling napanalunan ni Cynthia Tomalla noong 2018. Nauna nang umabot sa Final 13 ang Miss World Philippines bet na si Tracy Maureen Peres noong Huwebes, Marso 17.

Sa kasalukuyan, tanging si Binibining International 2021 Hannah Arnold na lang ang nakatakdang sumalang sa tinaguriang Big 4 pageants para sa 2021 pageant season.