Nag-switch to Isko na nga si Mocha Uson ng Mother for Change o MOCHA Partylist. 

Ibinahagi niya ang pagsuporta niya kay presidential aspirant at Manila Mayor Isko Moreno Domagoso nitong Biyernes, Marso 18, sa campaign rally ng Isko-Doc Willie tandem sa Kawit Freedom Park sa Cavite.

screenshot mula sa Facebook live ni Isko Moreno Domagoso

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

"Alam niyo po kaya po ako nandito ngayon ay dahil nag-switch to Isko na rin po ako," saad ni Uson.

Sinabi rin Uson na binoto niya bilang mayor si Isko noong 2019 dahil taga Maynila siya.

"Ako po ay naririto para ipakita po ang suporta para sa ating susunod na pangulo dahil nakita ko po kay Mayor Isko ang batang Pangulong Duterte na talaga namang mainit ang kanyang paninilbihan sa bayan," sabi ni Uson.

Ikinampanya rin niya sa campaign rally ang kanyang partylist na Mother for Change o MOCHA. 

Noong Pebrero, naaksidente si Mocha Uson habang nangangampanya sa Bataan province para sa MOCHA Partylist.

Ibinahagi ni Uson sa kanyang Facebook page noong Pebrero 28 ang nangyari sa kanya. Aniya, naaksidente siya habang nakasakay sa motor at nagtamo ng fracture ang kanyang clavicle o collarbone.

“Buti nalang po ako ay naka-safety gears dahil kung hindi ay siguradong labnos ang tuhod ko at braso. Kung hindi ako naka-riding boots siguradong bali ang paa ko. Ngunit dahil sa lakas ng impact ng pagbagsak at pagsadsad ko at ng aking motor ay na-fracture ang aking clavicle o collar bone,” saad ni Uson.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/03/03/mocha-uson-naaksidente-sa-bataan/