Umalma ang YouTube content creator na si Cong TV, bandang Parokya ni Edgar, at Agsunta sa kumakalat na fake news tungkol sa gaganapin na campaign rally sa Zamboanga.

Kumakalat sa social media ang screenshot kung saan makikita ang detalye ng isang campaign rally na magaganap sa Abril 10, 2022 sa Enriquez Memorial Complex sa Zamboanga.

Larawan mula sa Facebook

Nakalagay pa rito na dadalo umano ang ilan sa mga sikat na personalidad kagaya nina Cong TV at Team Payaman, Zack Tabudlo, 4 of Spades, Kamikazee, Parokya ni Edgar, Agsunta, Philia, at Toni Gonzaga.

Sa kani-kanilang Facebook post nitong Biyernes, Marso 18, umalma sina Cong TV, Parokya ni Edgar, at Agsunta.

"Di nga makapagvalorant tas mangangampanya pa. fake news," saad ni Cong TV.

screenshot mula sa Facebook post ni Cong TV

"This is not true," naman ang saad ng bandang Parokya ni Edgar.

screenshot mula sa Facebook post ng Parokya ni Edgar

"Wala po kami dito, nasa bahay lang kami ng araw na yan," anang Agsunta.

screenshot mula sa Facebook post ng Agsunta

As of writing, wala pang post o anumang pahayag ang iba pang nasabing personalidad.