Opisyal nang inanunsyo ng sikat na folk-pop band “Ben&Ben” ang pagtugtog nito sa campaign sortie ng Leni-Kiko tandem sa Pasig City sa Linggo, Marso 20.

“Ben&Ben supports the campaign of Leni Robredo and Kiko Pangilinan this 2022 electons,” pagkukumpirma ng 12-piece band bilang certified Kakampink

Basahin: ‘Pipiliin ka araw-araw’: Sikat na bandang Ben&Ben, certified Kakampink! – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Naging usap-usapan kamakailan ang unang tugon ng Ben&Ben sa isang youth group mula Pasig kaugnay ng ng kanilang attendance sa Pasig sortie ng Leni-Kiko grand campaign rally.

Maikling tugon ng banda, “g.”

Paglilinaw ng banda, “The band will not be paid for its support.’

Larawan mula Facebook page ng Ben&Ben

See you in Pasig (Mar. 20), Nueva Ecija (Mar. 22), and possibly other campaign sorties,” dagdag na saad sa publicity material ng grupo.

Ang banda ang dumagdag sa ilan pang musikerong sumusuporta sa kandidatura ng Leni-Kiko tandem. Nauna nang nagpakita ng suporta sa tandem ang Rivermaya, Mayonnaise at ang front man ng Eraserheads na si Elly Buendia.