Tinatayang 300 na pamilya o 900 indibidwal ang nawalan ng tirahan sa naganap na sunog sa isang residential area sa Taguig City, nitong Marso 17.

Sa inisyal na ulat ni Taguig City Bureau of Fire Protection, SFO2 Ana Joy Parungao,fire investigator, sumiklab ang apoy sa bahay ng isang Sapia Ayunan, sa Tawi-Tawi Street, Covered Court, Barangay Maharlika sa nasabing lungsod dakong 10:50 ng gabi nitong Huwebes.

Mabilis na kumalat ang apoy at nasa 70 na bahay na pawang gawa sa light materials ang natupok sa sunog.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog at idineklarang fire out ito ni Fire Superintendent Bernard Rosete, Ground Commander, bandang ala-1:37 ng madaling araw ng Marso 18.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Nabatid na nasa 71 na fire trucks ang rumesponde sa insidente at walong ambulansya ang naka-standby sa lugar.

Wala namang naitalang nasaktan o namatay sa insidente.

Patuloy pang sinisiyasat ang sanhi ng sunog sa lugar habang aabot sa P750,000 halaga ng ari-arian ang naabo.