Binalaan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang publiko sa inaasahang mas mainit na panahon hanggang Mayo.

Ito ay nang ideklara ng ahensya nitong Miyerkules ang pagsisimula ng tag-init sa bansa.

Nilinaw ni PAGASA Administrator Vicente Malano na natapos na ang pag-iral ng "amihan" o northeast monsoons bansa at hudyat na ito ng dry season sa Pilipinas.

“The recent analysis indicate retreat of the high pressure area (HPA) over Siberia, thereby weakening the associated northeasterly winds and decreasing sea level pressure in the country. Moreover, the wind pattern has generally shifted from northeasterlies to easterlies over most parts of the country as a result of the advancing HPA over the northwestern Pacific. These signify the termination of the northeast monsoon (amihan) and the start of the dry season and warmercondition,” banggit nito.

National

Rep. Cendaña sa pag-endorso ng impeachment: ‘Isara na ang bangungot na dulot ni Sara!’

Pinayuhan din ni Malano ang publiko na gumawa ng hakbang upang mabawasan ang heat stress.

Nagbigay din ng tips ang PAGASA upang maiwasan ang heat stroke katulad ng pananatili sa loob ng bahay, magsuot ng maninipis at hindi matitingkad na damit, at uminom ng sapat na tubig.

Ellalyn De Vera-Ruiz