Patay ang isang 51-anyos na tricycle driver nang pagbabarilin ng isang lalaki matapos ang isang pagtatalo sa parking space sa Tondo, Maynila noong Lunes, Marso 14.

Kinilala ni Police Lt. Col. Cennon Vargas Jr. ang biktima na si Jose Caones Jr., residente ng Sofia Street, Tondo.

Ang suspek na si Julius Quezon, 56, residente ng Moderna Street, Brgy. 146, Balut, Tondo, ay agad naaresto ng pulisya matapos ang insidente.

Nangyari ang pamamaril dakong alas-6 ng gabi. sa harap ng bahay ng suspek, sabi ng pulis.

Eleksyon

Ben Tulfo sa pagtakbo rin niya bilang senador: ‘This is another Tulfo’

Batay sa imbestigasyon ng Manila Police District (MPD) homicide section, nagsimula ang pagtatalo ng dalawa nang iparada ni Caones ang kanyang tricycle sa harap ng bahay ng suspek.

Hiniling ni Quezon kay Caone na umalis sa parking spot, ngunit iginiit ng tricycle driver na naghihintay siya ng kanyang pasahero, sabi ng pulisya.

Sa kanilang pagtatalo, bumunot ng matulis na bagay ang biktima habang ang suspek ay kumuha ng baril sa kanyang bahay at pinagbabaril si Caones.

Isinugod sa Tondo General Hospital si Caones ngunit idineklara itong patay dakong alas-6:45 ng gabi.

Kakasuhan ng homicide ang suspek, sabi ng pulisya.

Terrence Ranis