Nag-iisa lamang ang nanalo sa halos ₱100 milyong jackpot sa lotto sa ginanap na draw nitong Lunes ng gabi, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Hindi na muna nagbigay ng iba pang impormasyon ang PCSO sa pagkakakilanlan ng nanalo sa 6/55 Grand Lotto na may winning combination na 09-17-45-39-35-15 at may premyong ₱98,551,582.00.

Hindi rin binanggit kung saan binili ang winning ticket.

Sa hiwalay na bola ng 6/45 Mega Lotto, hindi naman napanalunan ang jackpot na ₱16,641,928.40 sa winning combination nito na 41-15-07-33-42-10.

National

Davao Oriental, niyanig ng 4.8-magnitude na lindol

Pinayuhan ng PCSO ang nanalo na magtungo na lamang sa PCSO Central Office sa 605 Conservatory Bldg., Shaw Blvd., Priceton St., Mandaluyong City upang kubrahin ang panalo basta dalhin lamang ang dalawang valid ID cards at nanalong ticket.

Gayunman, sinabi ng PCSO na tatanggalan nila ng 20 porsyentong buwis ang naturang premyo alinsunod na rin sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law (TRAIN) Law.