Hinangaan ng Department of Health (DOH) Central Office ang maayos na pangangasiwa sa COVID-19 vaccines ng Las Piñas City government sa isinagawang inspeksyon ng ahensya nitong Martes, Marso 15.

Sa ginanap na wall-to-wall inspection ng DOH Central Office at MMCHD Logistics Team sa Las Piñas na binubuo nila Irah Umadac, Ferdinand Dela Cruz, Anne Bernabe at Carl Valeriano, masusi nilang sinuri ang sitwasyon ng cold chain facilities sa lungsod.

Personal itong ipinakita ni Dra. Juliana Gonzalez, Officer-in-Charge ng City Health Office kasama ang dalawang city coordinators ng National Immunization Program na sina Dra. Eleanor Gumpal at Dra. Anne Jagape.

Inilahad ng DOH Central Office ang kanilang paghanga at sinabing "well-maintained" at "well-accounted for" ang mga bakuna sa mga pasilidad ng lungsod.

Chinese zoo, kinuyog matapos gawing 'panda' ang mga aso

Bukod dito, maayos din anila ang set up ng vaccine storage at ancillary storage areas ng lungsod at agarang naisusumite ng City Health Office ang Inventory Report ng Las Piñas.