Inaasahang dadagsain na naman ang mga lotto outlet sa bansa matapos ihayagng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na walang nanalo sa dalawang magkahiwalay na draw ng Ultra at Super Lotto nitong Linggo ng gabi kung saan mahigit sa₱121 milyon ang nakalaang kabuuang premyo.

Sa isinagawang draw ng 6/58 Ultra Lotto, hindi nahulaan ang winning combination na55-46-25-16-50-35 na may kabuuang jackpot na₱67,178,411.40.

Binobola ang Ultra Lotto tuwing Martes, Biyernes at Linggo dakong 9:00 ng gabi.

Wala ring nakahulasa winning combination na40-32-23-25-04-01 ng 6/49 Super Lotto na may premyong aabot sa₱54,023,592.00. Ito ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Linggo sa kaparehong oras.

National

DOJ, nagbabala vs pekeng socmed account ng Office of Cybercrime