"Kunin mo na ito, sis"

Kinagigiliwan ngayon sa social media ang isang video ni Megastar Sharon Cuneta kung saan makikita na tila nagbebenta siya ng produkto sa kausap niya.

Sa video na kumakalat sa Facebook, makikita na ipinakita ni Shawie sa katabi niya ang produkto. Mukhang sine-sales talk pa nga niya ito at maya-maya ay naglabas ng cellphone yung kausap niya at pinicturan ang produkto. 

Ang nakakaaliw pa, sumenyas pa ito na para bang marami pa itong stocks na dala sa likod.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Naganap nito habang nagsasalita si Vice President Leni Robredo sa campaign rally nila ni Senador Kiko Pangilinan sa Bacolod.

Narito naman ilang nakakaaliw na mga komento ng netizens:

Hahahaha syempre need pa ring kumayod. Multi tasking ang megastar lol

napalaban ng sideline si Ate Shawie for today’s videow.

“May stocks pa ako sa likod. Bigyan kita discount pag kumuha ka ng dalawa.”

Sideline muna si Ate Mega star???

Gcash mo nalang sabi pa niya

"kuha ka na, 1 month to pay naman."

"Balutin mo ako ng isang Pei Pa Koa"

ma, paano po maging reseller? HAHAHAHAHA

Pano po maging reseller ma? Mag bebenta ako dito sa Bacolod

❌makinig kay vp

✔️Tingin kay mega na nag rereseller

Ang naturang video ay nirepost din ni Sharon sa kanyang Instagram.

https://www.instagram.com/p/Ca_S57XBEUn/