Inutos na ni Philippine National Police (PNP) Chief General Dionardo Carlos sa lahat ng pulisya na suyurin ang lahat ng anggulong maaaring may kinalaman sa bigong pananambang sa buhay ni Infanta Mayor Filipina Grace America.

Dahil na rin ito sa malalang problema ng quarrying sa nasabing lugar. 

Sinabi pa ni Carlos na hindi rin aniya ito dapat ipagkibit balikat at tratuhin bilang isang election related violence dahil sa nalalapit na 2022 National and Local.

Samantala, sa isang panayam kay Mayor America, sinabi nito na may bahid ng pulitika ang pananambang sa kaniya sa kabila na hindi pa tapos ang ginagawang imbestigasyon ng PNP sa nasabing kaso.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ayon pa sa alkalde na isang kilalang malapit na kaalyado ni Quezon Province Governor Danilo Suarez, ang utak sa likod ng pamamaril sa kaniya ay gawa umano ng kabilang grupong kumakalaban kay Suarez sa kabila ng walang ebidensyang diretsong pumupukol sa iringan sa pulitika. 

Pinag-iingat naman ni PNP Chief ang kaniyang mga tauhan mula sa mga kaduda-dudang taong nagtatangkang ilihis ang imbestigasyon para lang sa pansariling agenda lalo na’t nalalapit na ang eleksyon. 

Matatandaan noong 2019 pinaslang ang dating driver ng alkalde na si Michael Cuento at tatlo pang indibidwal nang ang mga ito ay nakiramay. 

Batay sa kuwento, si Michael umano ang siyang target ng pamamaril dahil magkabilang beses itong pinaputukan nang malapitan.

Sa naging panayam noon kay Mayor America, pinabulaan nito ang anggulo ng pulitika kahit na nangyari ang insidente ng pamamaril noong 2019 Midterm Election. 

Ayon sa kaniya, ang motibo sa pagpaslang sa dati nitong driver ay dahil sa quarrying sa lugar kung saan ang biktima ay isang quarry permit holder. 

Kaniya ring inilantad na may nauna nang pagbabanta sa buhay ni Cuento noong 2016 National Election subalit nabigo ang unang ambush attack.