Matapos hindi payagan ang campaign rally ng Leni-Kiko tandem sa Pasig City hall quandrangle, itutuloy naman ito sa Emerald Avenue sa Ortigas. Ilang Kakampinks naman ang nangangambang hindi nito kakayanin ang bilang ng posibleng dadalo sa rally.

Ang “venue reveal” ay inihayag ng “PasigLaban para sa TroPa” sa kanilang Facebook page nitong Linggo, Marso 13.

“Pagkatapos ng mahabang paghahanap ng lugar kung saan gaganapin ang PasigLaban, eto na! Its the best of Pasig for the best candidate for President,” mababasa sa Facebook post.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Larawan mula “PasigLaban para sa TroPa” via Facebook

“Kita-kita tayong lahat sa kahabaan ng Emerald Avenue sa Ortigas mga kakampink! March 20, 5pm. Tara na mga kapitbayan, sama na kayong lahat at punuin natin ang Ortigas!” dagdag pa nito.

Sa unang campaign poster, nakasaad na idaraos ang ‘Payanig sa Pasig’ ni Robredo, ganap na alas-5:00 ng hapon sa Marso 20, 2022, sa Pasig City Hall Quadrangle.

Pinabulaanan agad ito ni Pasig City Mayor Vico Sotto.

“Not true. Pasig City Hall premises, including quadrangle, are NOT open for any political rally,” sagot ng alkalde sa deleted tweet ng isang netizen.

Basahin: Campaign rally ni Robredo, hindi pinayagan sa Pasig City Hall quadrangle – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Samantala, ilang netizens naman ang nangangamba na maaaring hindi kayanin ng naturang venue ang mga sasadyang Kakampinks.

“Emerald avenue is so small!! That’s easily Doable just by all the residents and office workers of that area. Why can’t we do ULTRA?????” komento ng isang Kakampink.

“Sa dami po ng kakampinks sa Pasig, kasya po kaya tayo sa Emerald? Regardless po, we will be there!” segunda ng isa pa.

Parang ‘di kakayanin ng Emerald Avenue. Dapat may Plan B for spillovers imo,” dagdag na saad ng isa pang Kakampink.

Nauna nang inihayag ng local chief na bukas ang Pasig sa sinumang kandidatong nais mangampanya sa lugar, lalo na ang mga kandidatong tumatakbo sa pambansang tanggapan.