Isinusulong ng chairperson ng House Committee on Labor and Employment ang pagtaas ng sahod ng mga manggagawa sa gitna ng epekto ng Covid-19 at pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo at iba pang bilihin.

Sa isang pahayag, sinabi ni 1-PACMAN Party-list Rep. Enrico Pineda na tatalakayin ng kanyang panel ang posibilidad ng pagtaas ng sahod at ipagpatuloy ang mga deliberasyon nito sa mga hakbang na naglalayong ma-institutionalize ang pambansang minimum na sahod para sa mga manggagawa sa pribadong sektor sa susunod na linggo.

"It’s high time we raise the minimum wage, considering the rising costs of goods and the effects of the pandemic," ani Pineda.

Ang House Bill (HB) Nos. 246, 276, 541, 668, 2878, 6668, 6752, na lahat ay nagmumungkahi na amyendahan ang Labor Code of the Philippines para ma-institutionalize ang pambansang minimum na sahod para sa mga manggagawa sa pribadong sektor, ay magiging bahagi ng agenda ng pulong sa darating na Marso 17.

Eleksyon

Abalos, nanawagan ng sapat na pondo para sa kaguruang magbabantay sa eleksyon

Aniya, patuloy na tumataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo kahit na sa panahon ng pandemya at walang tigil na pagtaas ng presyo ng langis, habang ang mga sahod ay nananatiling hindi nagbabago.

"The effect of the rising gas prices is that everything also goes up. Further, additional expenses are now necessary due to the pandemic. People need to buy masks, vitamins, disinfecting materials, and spend on testing. How do we expect our workers to keep up without any increase in their salaries?” ani Pineda.

Dagdag pa niya, ang mga hakbang ay una nang tinalakay ng Committee on Labor and Employment noong Pebrero 2020, bago ang pagsisimula ng pandemya sa Pilipinas at ang pagpapatupad ng community quarantine.

Gayunpaman, sinabi niya na walang napagkasunduan dahil maraming mga isyu ang nangangailangan pa ng karagdagang pag-uusap.

Aniya, 'We will open deliberations once again also so that we can have some discussions on the feasibility of raising minimum wage through the National Wages and Productivity Commission (NWPC). All stakeholders will be invited so that they may be able to participate and air out their concerns. Our aim always is to strike a balance between labor and management, while also putting importance on the welfare of workers.'