Hindi papakabog ang fashion star na si Heart Evangelista sa awrahan. Kahanay lang naman ang aktres sa listahan ng “best dressed celebrities” ng isang international fashion magazine sa kamakailang Paris Fashion Week sina Rihanna, Blackpink Jennie, Jisoo, Zendaya, Kim Kardashian bukod sa iba pa.

Pasok sa listahan ng 39 best dressed celebrities ng Vogue Singapore ang Dior outfit ni Heart Evangelista kamakailan.

Larawan mula Facebook account ni Heart Evangelista

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Matatandaang balik Paris ang Kapuso actress ngayong Marso para sa kabi-kabilang fashion shows ng ilang luxury brand. Hindi na rin lingid sa lahat ang pagiging opisyal na Christian Dior brand endorser ni Heart matapos ang unang Paris stint nito ngayong taon noong Enero.

Basahin: Heart Evangelista at Blackpink Jisoo, namataan sa parehong fashion event sa Paris – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Kwela din ibinahagi ng aktres ang ilang shopping experience sa "City of Love."

Basahin: Heart Evangelista, napa-‘lintik’ na lang nang pumasok sa isang luxury jewelry shop sa Paris – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Nitong Biyernes, Marso 11, present din si Heart sa isang ekslusibong meeting ng Vogue Magazine kasama ang Editor-in-Chief nitong si Anna Wintour.

Nakatakda namang bumalik ng Pilipinas ang Kapuso aktres ngayong Biyernes.