Tila conscious ngayon ang aktres na si Nadine Lustre sa kanyang health at fitness kasunod ng pagsisimula nito sa kanyang pescetarian diet, o ang pagkain lang ng gulay at ilang lamang dagat.

“Now, I’m focusing on health and fitness. I’m eating more healthy food. Hopefully, I’m successful with becoming full on pescetarian and vegetarian,” saad ni Nadine sa pinakahuling vlog ng kanyang beautician na si Dr. Ivee.

Ito ang plano ni Nadine sa kabila ng pagiging isang hardcore meat lover.

“That’s my plan but I love meat. So far, I’ve been a pescetarian for like a week now but I’m not craving for it [meat] which is good,” ani Nadine.

National

143 Pinoy, pinagkalooban ng pardon ng UAE – PBBM

“You really have to dive into it. You can’t be half-assed. It’s really hard. Actually, for me, like someone who loves steak,” dagdag ng aktres.

Magiging marahan din daw ang aktres sa transition ng kanyang katawan sa naturang diet. Ayon sa ilang datos online, nasa 3% lang ng tao sa mundo ang full-on pescetarian.

&t=302s

“I wouldn’t say that I am completely gonna give up on it. Let’s say once a week and then, eventually, like lessen [the consumption]. I’m such a foodie, so it’s difficult, but I’m willing to try,” aniya.

Natanong naman si Nadine sa kasalukuyang sitwasyon ng Siargao matapos ang pananalasa ng Bagyong Odette noong Disyembre 2021.

“It’s still pretty bad. But people are trying to get by. I wouldn’t say better, a lot of places still look the same. I mean, a lot has changed now, they cleaned up the streets, a lot of places, still a lot of work to do,” ani Nadine.

Maalalang isa si Nadine sa mga unang tumulong at naglunsad ng inisyatiba sa mga taga-Siargao matapos ang matinding danyos ng bagyo sa isla.

Samantala, sa pagbabalik Maynila ng aktres, na-realize nitong mahirap pala ma-maintain ang pescetarian diet sa lungsod kumpara sa Siargao.

“There’s just a lot of options like [gulay], lutong bahay and a friend who would always cook and she likes to make kangkong, itlog na pula with kamatis [at] sinigang na bangus,”aniya.