Ikinagalit ng Kapuso actress na si Kelley Day ang pagkakadawit sa isyu ng mag-asawang sina Tom Rodriguez at Carla Abellana.

Ito ang diretsahang pagbabahagi ng aktres nang makorner sa isang interview ng Kalurks episode nina Boobay at Pepita Curtis si Kelley kamakailan.

Muling pinabulaanan ng dating beauty queen ang mga tsismis kaugnay ng umano’y dahilan ng kamakailangang hidwaan ng newly-wed Kapuso couple na sina Tom at Carla.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

“I had this confirmed through reliable sources close to Tom and Carla, who confirmed it has nothing to do with me and it’s all speculation. ‘Yun talaga ang totoo,” saad ni Kelley.

Pagbabahagi pa ng aktres, nagpadala ng mensahe si Tom at nilinaw nitong wala siyang kinalaman sa kinasasangkutang isyu.

Matatandaang nagkatrabaho si Tom at Kelley sa isang Kapuso drama series na “The World Between Us" noong 2021.

Naging laman ng ilang blind item si Kelley kasunod ng isyu ng umano’y hiwalayan ng Kapuso couple dahilan para magalit siya noong una.

Basahin: Kelley Day, itinanggi ang pagkakadawit sa Tom-Carla breakup rumor – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Noong first po, I was a bit angry with the comments I was getting kasi I thought it was coming from nowhere. Pero noong nakita ko yung video [blind item], I understand naman why people were linking me,” ani Kelley.

“I wouldn’t say that it is right to bash anyone online. I don’t believe in hate on social media. But I guess I can give an understanding to the people who were assuming that it was me,” dagdag niya.

Pinabulaanan din ng aktres ang umano’y kanyang kanyang pagbubuntis at pagpapa-ultrasound sa United Kingdom kamakailan. Paglilinaw niya, pumanaw ang kanyang lola sa kaniyang dad side dahilan ng kanyang pagluwas sa ibang bansa.

Ibinahagi rin ni Kelley na sa katunayan ay “chill” at may karelasyon siyang non-showbiz.

“I would say to be honest, I do have some sort of love life, it’s chill, it’s good vibes. It’s not showbiz-related.”