Ibinahagi ng rising Pinay singer na si Gidget “Gigi” Dela Llana sa isang Facebook post ang pagkawala ng kanyang mobile phone sa Dubai.

Heartbroken ang Gigi Vibes singer sa isang post nitong Biyernes, Marso 11, nang hindi na madatnan ang kanyang mobile phone sa isang restroom sa Dubai.

“I lost my phone dito sa dubai?. Pero sana ibalik ni ate na nakapulot,” saad ni Gigi.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Screengrab mula Facebook

Sampung oras nang ipost ni Gigi ang insidente, hindi pa rin nito nakuha ang nawalang telepono.

"YES, I know [na babae ang nakakuha] kasi naiwan ko sa restroom ng girls sa arrival sa airport. and babae kasunod ko mag CR (comfort room)," dagdag na update ni Gigi.

Larawan mula The Global Filipino Magazine via Facebook

Samantala, balik-Dubai ang singer nitong Huwebes, Marso 10 ang The Gigi Vibes band para sa kanilang back to back Expo 2020 Dubai at Abu Dhabi concerts.

Pagkatapos ng kanilang Expo 2020 sa Biyernes, Marso 12, lilipad patungong Abu Dhabi ang grupo para magtanghal sa National Theatre of Abu Dhabi sa Marso 18.