Nagpasalamat angdirektor ng VinCentiments na si Darryl Yap sa Kakampinks o mga taga suporta ni presidential aspirant at Vice President Leni Robredo dahil nakabili siya ng Louis Vuitton na sapatos.

"Ako po ay nagpapasalamat sa lahat ng mga #Kakampink na bagamat sobrang talino at malilinis, ay nanonood pa rin ng aking mga basurang gawa," saad ni Darryl sa kanyang Facebook post nitong Huwebes, Marso 10.

Labis siyang nagpapasalamat sa mga nagpapatakbo ng kampanya ni Vice President Leni Robredo dahil sa milyun-milyong halaga na nilulustay ng mga ito sa social media ads.

"Ako po ay pinakanagpapasalamat sa mga nagpapatakbo ng kampanya ni VP Leni Robredo dahil sa milyun-milyong piso ninyong nilulustay sa social media ads ay naambunan po kami ng daang libo," ani Darryl.

"Maliit na halaga po para sa inyo pero malaki na po sa amin, kahit bawas na po ito ng BIR ay sobrang saya po namin, hindi lang kami kumita, nakapagpasaya na po kami ng maraming Pilipino, nakapang-asar pa ng konti; at higit sa lahat, nabigyan ko po ng regalo ang aking sarili," dagdag pa niya.

Larawan mula sa Facebook ni Darryl Yap

Ibinahagi rin ng direktor na pangalawang LV na raw niya iyon ngunit ito ang unang LV na siya mismo ang bumili.

Sa dulong bahagi ng post, mayroon itong pa-hashtag na #bayaran.