Inilabas na ng VinCentiments ang official trailer ng bago nilang video na 'Baby M' ngayong Marso 10, 2022 ng tanghali.

"The official trailer of BABY M, a limited VinCentiments series, a non-political content of inspiration, Filipino pride and unity, written and directed by Darryl Yap, cinematography and editing by Arel Eban, starring PJ Rosario," saad sa caption.

Screengrab mula sa FB/VinCentiments/Darryl Yap

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Bago pa ang aktuwal na trailer, nagpahaging na ang direktor ng 'Kape Chronicles' at 'The Exorcism of Lenlen Rose' na si Darryl Yap na malapit nang ilabas ang pangatlong 'inspiring video' nila na 'Baby M'.

"Ang kaniyang ganti ay magwagi," caption sa Facebook post ni Direk Darryl noong Marso 9.

Si Baby M, na ginampanan ng baguhang aktor na si PJ Rosario, ay inilarawan bilang isang guwapo at mabait na lalaki, na nakasuot ng pulang sweater o jacket.

"Bakit ko mahal si Baby M? Bakit mahal ng tao si Baby M? Yung vision niya para sa lahat, ay pag-asa ng pag-ahon. Yung pagpapakita niya ng lakas, lakas na hindi mayabang, lakas na kahit kaya niyang gumanti, magbalik ng sakit o insulto, hindi niya gagawin," saad sa trailer.

"Kasi, iyan ang totoong lakas… yung pagharap sa mga totoong tao, hindi lang sa media. Kahit na madalas, imbes na magkaisa, pinagkakaisahan pa siya. Pero sa kabila ng lahat ng 'to, may narinig ba mula sa kaniya? Wala, wala, wala. Mabuting tao kasi. Mabuting tao talaga. Ang totoong lakas ay magpatawad at huwag gumanti."

'Team player siya, mahusay makisama pero may sariling diskarte. Mabuting tao si Baby M. Walang nakakaaway kahit laging inaaway. Marunong makipagkapwa-tao, matalino, at mababa ang loob. Brilliant, Brave, Man. Mahal ko si Baby M…"

Narito ang ilan sa mga reaksyon at komento ng mga netizen.

"Ang gwapo naman ni Baby M! Shocks!"

"Ang pogi naman ni Baby M, sure trending na naman sa Twitter 'to. Mag-iiyakan na naman mga anak ni Lenlen."

"Good job, direk!"

"Very touching… humility on the side."

Samantala, maraming curious kung sino nga ba ang gumanap na Baby M na si PJ Rosario at sana raw ay mas marami pang exposure para sa kaniya.

Screengrab mula sa FB/VinCentiments/Darryl Yap

Habang isinusulat ito ay pumalo na ito sa 85K views at 27K reactions.