Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sina Anderson Ang Lo bilang deputy Ombudsman for Mindanao at Dante Flores Vargas bilang deputy Ombudsman for the Visayas.

Ang kanilang appointment papers ay ipinadala na kay Chief Justice Alexander Gesmundo bilang ex-officio chairperson ng Judicial and Bar Council (JBC), ang constitutional office na tumatanggap, sumasala at nagpapapasok ng nominado ng appointments sa hudikatura ta sa Office of the Ombudsman.

Sina Lo at Vargas ay magsisilbi sila ng fix term na pitong taon bawat isa sa mga ito.

Papalitan ni Lo si Deputy Ombudsman Rodolfo Elman habang si Vargas naman ang kahalili ni dating Deputy Ombudsman Paul Elmer Clemente.

National

Pag-imbestiga ng Senado sa drug war ni ex-Pres. Duterte, magandang ideya – Pimentel

Nitong Marso 8, inilabas ng Pangulo ang appointment papers ni Assistant Ombudsman Jose Mercado Balmeo Jr. bilang deputy Ombudsman of the military and other law enforcement offices (MOLEO). 

Pitong taon din ang itatagal nito sa naturang puwesto.

Czarina Nicole Ong Ki