Wala umanong naitalang pagtaas ng bilang ng Covid-19 cases ang Department of Health (DOH) sa unang linggo ngpagpapairal ng Alert Level 1 sa National Capital Region (NCR) at 38 pang lugar sa bansa.

Sa isang Viber message nitong Martes ng gabi, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na, “at present, we have not seen any increase in COVID-19 cases since we have implemented Alert Level 1 in several areas in the country.”

Tiniyak ni Vergeire sa publiko na mahigpit na mino-monitor ng pamahalaan ang mobility ng mga tao upang matiyak na tumatalima ang mga ito sa minimum health protocols.

“Since the implementation of Alert Level 1, an increase in the mobility of people has been expected given that employers have implemented 100% workforce capacity, and establishments can now operate in their full capacities as well.The government strictly monitors the mobility of the public with incessant reminders on adherence to minimum public health standards as well as the national vaccination drive for those eligible to get inoculated,” dagdag pa ni Vergeire.

Eleksyon

'Hindi ako nag-iisa sa laban' Abalos, hanga kay Pacquiao

Isinailalim ang NCR at 38 iba pang lugar sa bansa sa mas maluwag na Alert Level 1 simula noong Marso 1 hanggang sa Marso 15.