Pinasalamatan ni Presidential aspirant Sen. Manny Pacquiao ang kanyang misis na si Jinkee Pacquiao sa buong suporta at paghikayat pa nito sa kanyang kasalukuyang kampanya.

“Lahat ng pagsubok kaya nating harapin basta magkasama tayo Jinkee Pacquiao. Thank you for always being such a supportive and an encouraging wife,[emoji]” mababasa sa caption ni Pacquiao sa kanyang Facebook post nitong Linggo, Marso 6.

Larawan mula Manny Pacquiao via Facebook

National

Habagat, magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa -- PAGASA

Magkahawak-kamay ang mag-asawa sa larawang ibinahagi.

Kapansin-pansin din ang hands-on na pangangampanya ni Jinkee sa asawa sa ilang lalawigan sa bansa.

Larawan mula Manny Pacquiao via Facebook

Nitong Sabado, kasama ni Jinkee si Pacquiao upang ligawan ang lalawigan ng Pangasinan. Kasama rin ito maging sa Nueva Ecija sortie ng People’s Champ.

Lungsod ng Navotas naman ang dinayo ni Pacquiao nitong Linggo, Marso 6.

Hangarin ni Pacquiao ang isang gobyernong malinis at walang bahid ng korupsyon.