Sinabi ng ina ng nalunod na Thailand actress na si Nida "Tangmo" Patcharaveerapong na pinatawad na niya ang may-ari ng speedboat na sinasabing sangkot sa insidente na humantong sa pagkamatay ng kanyang anak, matapos itong mag-alok ฿30 million (Thai baht) o mahigit ₱47 million bilang kabayaran.

Panida Siriyuthayothin, ina ni Tangmo (kaliwa) at Host ng isang programa (kanan)

(Larawan mula sa Bangkok Post)

Sa ulat ng Bangkok Post nitong Marso 5, nagsalita ang ina ni Tangmo na si Panida Siriyuthayothinm, sa isang panayam sa programa sa Thailand noong Marso 4 na tuluyan na niyang pinatawad si Tanupat "Por" Lerttaweewit at isa pang kasamahan nito na si Phaiboon "Robert" Trikanjananun.

Sinabi ni Panida, simula na mangyari ang insidente, araw-araw siyang tinatawagan ni Tanupat upang humingi ng tawad.

Tinanggap ng ina ang 30-million-baht na kabayaran mula kay Tanupat, halaga na kanyang iminungkahi.

"Let's say if Tangmo earned one million baht from a TV series. If she had lived for 30 more years, I could multiply that sum by 30. This still excludes lost income from photo sessions as a model," ayon sa ina.

Binigyang-diin naman niya na ang kanyang pagpapatawad ay hindi dahil sa pangakong kompensasyon. Wala rin umano itong kaugnayan sa mga opisyal na bagay na konektado sa kaso.

Gayunpaman, nagpahayag din siya ng pagkadismaya sa ilang malalapit na kaibigan ni Tangmo at hindi pinatawad ang manager nito na si Idsarin "Gatick" Juthasuksawat dahil hindi umano ito nakipag-ugnayan sa kanya.

Matatandaan na naiulat na sakay si Tangmo ng isang speedboat kasama ang limang tao kabilang dito ang kanyang manager na si Idsarin “Gatick” Juthasuksawat; mga kaibigan na sina Nitas “Job” Kiratisoothisathorn, Wisapat “Sand” Manomairant at Phaibon “Robert” Trikanjananun; at may-ari ng speedboat na si Tanupat “Por” Lerttaweewit, patungo sila sa Rama VII Bridge sa Nonthaburi mula sa Krung Thon Bridge noong Pebrero 24.

Dakong 10:00 ng gabi, umupo sa likuran ng speedboat si Tangmo para umihi dahil sira umano ang banyo ng speedboat. Sa pagkakataongito, nahulog umano ang aktres.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/03/06/5-kasama-ng-thailand-actress-na-nalunod-kakasuhan/