Nagbigay ng spiritual gift si Senador Christopher "Bong" Go alay sa yumao na sina Crizzle Gwynn at Crizvlle Louis Maguad.

Nagpaabot ng pasasalamat ang ina ng magkapatid na si Lovella Maguad kay Senador Go.

ALAMIN: Bakit ipinagdiriwang ang Imaculada Concepcion?

"We'd like to extend our deepest appreciation to you Sen. Christopher Lawrence T Go "Bong Go" for your thoughtfulness, generosity and kindness during this difficult and darkest time," ani Lovella sa kanyang Facebook post nitong Biyernes, Marso 4.

"Thank you for this spiritual gift- Celebration of Daily Masses for the intention of our beloved departed Ate Gwynn n Boyboy for 3 months- is indeed overwhelming feeling of comfort. We've got nothing to repay you but praying that you and your family will be blessed more abundantly!" dagdag pa niya.

Bukod sa spiritual gift na mass card, may mensahe rin ang senador: "It is with deep regret that I have learned about the passing of your beloved, Ms. Crizzle Gwynn Orbe Maguad. I wish to convey my deepest sympathies and condolences to you and your family for your loss."

Photo courtesy: Lovella Maguad/FB

"Again, please accept my deepest sympathies and condolences. I am with you in your prayers for peace, comfort, and strength. May God bless you and protect us all during these trying times," dagdag pa ni Go.

Samantala, kinuwestiyon ni Lovella ang batas ng pumoprotekta sa mga batang "kriminal."

Dahil sa hirap at sakit na nararamdaman, kinuwestiyon niya ang batas na umano’y nagbibigay-inspirasyon sa mga suspek upang magtagumpay ang mga ito sa kanilang masamang plano.

Ayon kay Lovella, tinanong ng isang menor de edad na suspek ang police na tila alam umano nito na hindi siya makukulong.

“One perpetrator asked the police few days after she murdered my kids ..”di ba hindi ako makulong kasi 16 pa lang ako? Saan nyo ko dalhin?” It showed that she was well oriented with the law – she (they) knew how to play with the law but never her/their responsibility after enjoying her/their right,” ani Lovella sa kanyang Facebook post noong Pebrero 12.

Basahin ang buong pahayag:https://balita.net.ph/2022/02/17/ina-ng-maguad-siblings-kinuwestiyon-ang-batas-na-pumoprotekta-sa-mga-batang-kriminal/