Kapag pinalad umanong manalo ang kanilang party-list na 'Kapamilya ng Manggagawang Pilipino, balak umanong maghain ng bill ang kandidato/nominee nitong si awad-winning ABS-CBN writer na si Jerry B. Grácio na papalitan ang mga paaralan, highways, at iba pang establishment na nakapangalan sa mga Marcos.

Ayon sa kaniyang tweet nitong Marso 4, 2022, "Magaling daw mga Marcos kasi may eskuwelahan sila. If we win, we will file a bill changing the name of Don Mariano Marcos Memorial State University to Leona Florentino Memorial State University."

Ang main branch ng naturang pamantasan ay matatagpuan sa lalawigan ng La Union.

"We will also file a bill changing the name of Mariano Marcos State University in Ilocos Norte to Pedro Bucaneg State University. Tigilan na natin ang paggamit ng pangalan ng mga Marcoses sa ating mga unibersidad," aniya sa isa pang tweet.

National

Abalos, ibinalandra na mukha ni Quiboloy sa mugshots: 'No one is above the law!'

"At baguhin na rin natin ang pangalan ng Doña Remedios Trinidad sa Bulacan, ang lahat ng mga bayan at barangay na ipinangalan kay Imelda. Noon pa natin ito dapat ginawa."

Bukod doon, bibisitahin din daw ang mga textbooks na ginagamit sa mga paaralan upang matiyak na tinatalakay umano sa mga klase ang mga pangyayari sa likod ng Batas Militar, sa panunungkulan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr., na ama ng presidential candidate sa kasalukuyan na si Bongbong Marcos, Jr. o BBM.

"We will revisit our textbooks to make sure that Marcos' atrocities will be written down, discussed in classes. We will file a bill against Martial Law denial, punishing those who will deny that the Marcoses plundered the nation & violated human rights."

Screengrab mula sa Twitter/Jerry Grácio

Sumang-ayon naman siya sa mungkahi ng isang netizen na papalitan na rin umano ang pangalan ng 'Marcos Highway' hindi lamang sa Baguio City kundi sa iba pang mga lugar na ganito ang pangalan.

"Dapat lang. We will make sure that the name of the dictator will be erased from public buildings, places, institutions."

Hati naman ang naging reaksyon at komento ng mga netizen tungkol dito. May mga sumang-ayon sa kaniyang sinabi at may mga tumutol din.

"Laking tulong naman sa bayan yang bill na 'yan. Wala nang iba?"

"Yes please and start with grade school Araling Panlipunan teachers. Grabeng historical revisionism ang itinuturo sa mga bata. Kasalanan daw ng mga na-rape at pinatay noong Martial Law dahil kinalaban si Macoy at hindi naman daw si Macoy ang gumawa no'n."

"Then also show the atrocities of the Aquino administration in all text books as well."

"This is indeed a welcome idea but may I suggest that let us also focus on the lessons and how students can learn from these historical facts so that it will equip them to be better citizens. History should not only be memorization but also a tool to better decide the future."

"Isama nyo na rin yung Mendiola massacre, SAF 44, Hacienda Luisita at marami pang iba, para balance ang history books n'yong gagawin."

"No student should be calling out their teachers, professors and instructors for the false and manipulated information they're passing to the next generation."