Magsasagawa ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng reblocking at repairs sa ilang kalsada sa Metro Manila ngayong Biyernes, Marso 4.
Sa inilabas na traffic advisory ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), dakong 11:00 ng gabi ay sisimulan ang pagkukumpini sa EDSA-Caloocan Southbound paglagpas ng Benin St., (5th lane buhat sa sidewalk); EDSA-Northbound Quezon City sa EDSA malapit sa Quirino Highway Exit; EDSA- Northbound Makati City, EDSA North bound bus lane (KM 27 + 436 to KM 26); EDSA-Northbound Quezon City Whiteplains hanggang Gate 4 (3rd lane magmula sa sidewalk); EDSA Quezon City paglagpasng Boni Serrano Flyover bago dumating ng P. Tuazon flyover hanggang P. Tuazon flyover service road, (3rd lane mula sa sidewalk) paglagpas ng P. Tuazon flyover-Cubao farmers main road katabi ng steel railings & service road (Intermittent section); at Visayas Avenue (Northbound) harapan ng Jollibee kanto ng Central Avenue (outer lane).
Bubuksan sa motorista ang mga apektadong kalsada sa Lunes, Marso 7 dakong 5:00 ng madaling araw.
Pinapayuhan ng MMDA ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta upang hindi na maabala.