Naghahanap ng 10 dancers ang longtime choreographer ni Willie Revillame na si Anna Feliciano para sa programang "Wowowin."

Ipinost ni Feliciano sa kanyang Facebook account ang mga qualifications na hinahanap niya.Kailangan ay mahaba ang buhok at may edad na 17 hanggang 23 years old.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ibinahagi rin niya ang magiging sahod kung sakaling mapili.

"40K monthly, pwedeng stay-in sa Wil Tower kung gusto, pwede ring uwian," ani Feliciano.

"Message sa akin ng personal details (name,age,location,contact number) and samples of dance covers t.me/AnnaFelicianoGMA," dagdag pa niya.

Binigyang-diin naman ni Feliciano na pansamantalang munang eere ang Wowowin sa Facebook at YouTube live.

Matatandaang hindi na eere sa telebisyon ang programang Wowowin dahil tapos na ang kontrata nito sa GMA Network.

Si Feliciano ay matagal nang kasama ni Willie Revillame simula pa lamang noong Wowowee na umeere noon sa ABS-CBN. Nitong Disyembre, nakatanggap siya ng kotse mula kay Revillame.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/12/27/sana-all-anna-feliciano-nakatanggap-ng-kotse-mula-kay-kuya-wil/