Nagkatotoo nga ba ang vision ng psychic na si Rudy Baldwin tungkol sa kaganapang nangyayari ngayon sa pagitan ng Russia at Ukraine?
Nitong Miyerkules, Marso 2, ibinahagi niya sa kanyang Facebook account ang kanyang naging prediksyon noong Setyembre 2021 tungkol sa kaguluhang mangyayari umano sa Europa. Aniya sa caption, limang bansa pa ang magkakagulo.
"REPOST VISION .ME NAKITA SA VISION KO NA LIMANG BANSA PA ANG MAGKAGULO O MAGKA GEYERA .MAHALAGA ANG PANALANGIN SA BAWAT ISA DAHIL WALANG MAWAWALA KUNG TAYO AY TATAWAG SA KANYA SA DIOS.SA TAONG 2020 NA POST KO SA VISION KO NA ME BANSANG ASIA NA MAGKAGULO NA MAUWI SA GEYERA KUNG HINDI MAGKAUNAWAAN .APAT NA BANSANG ASIA ITO NA MAGKAGULO.MANALANGIN TAYO NG TAIMTIM .MAS PILIIN NATIN ANG KAPAYAPAAN AT MANALANGIN PALAGI," aniya.
Kaugnay nito, sinabi niya noong Setyembre 27, 2021 na makakaranas ng matinding kaguluhan ang mga bansa sa Europa.
"SEPTEMBER 27:2021 IPAALALA KO SA LAHAT NA ANG PAGE KO AY IISA LANG ATE BLUE CHECK ITO.#ME NAKITA AKO SA VISION KO ANG MGA BANSA NA MAKARAMAS NG MATINDING KAGULUHAN NA MANGYAYARI PA LAMANG SA PART NG EUROPE .ME MGA BIGLAANG PAGSABOG AKONG NAKIKITA NA KUNG PAGMASDAN MO ANIMOY GEYERA," saad ni Baldwin.
Ayon pa sa kanya, nakakita rin siya ng mga gumuhong gusali sanhi ng kaguluhan. Mayroon din umanong paglusob sa iba't ibang bahagi ng Europa.
"SA PART NG EUROPE HINDI LANG DALAWANG BANSA ANG NAGKAGULO DAHIL NAKITA KO ANG PAGBAGSAK NG MGA GUSALI .ME BANSA NG EUROPE NA ME NAKITA AKONG TOWER NA BABAGSAK O GUGUHO.HINDI LANG TATLONG BANSA ITO ANG MAGKAGULO .ISANG GULO NA MAIHAMBING MO SA GEYERA .SA VISION KO ME MGA GUMUHO NA GUSALI SANHI NG KAGULUHAN.ISA DITO ANG MGA TOWER .ISANG PAGLUSOB O PAG ATAKI SA IBAT IBANG BAHAGI NG EUROPE SA HINDI INAASAHAN NG LAHAT NA MANGYAYARI PA LAMANG," paglalahad ni Baldwin.
Gayunman, pinag-iingat niya ang mga OFWs at mga Pilipinong naninirahan sa Europa.
"MALAKING KAGULUHAN ANG NAKIKITA KO NA MANGYAYARI SA IBAT IBANG BAHAGI NG EUROPE .SA LAHAT NG MGA OFW O MGA PILIPINO NANIRAHAN SA EUROPE MAGING MAINGAT AT HUWAG NATING KALIMUTAN ANG MANALANGIN PALAGI."
Matatandaan na nito lamang Pebrero 2022 nang lusubin ng Russia ang Ukraine dahil sa isinusulong ng Ukraine na maging miyembro ng North Atlantic Treaty Organization (NATO).
Ayaw umano ng presidente ng Russia na si Vladimir Putin na makapasok ang Ukraine sa naturang alyansa.
Ang NATO ay isang alyansa na binubuo ng 30 bansa mula sa Europe, North America, at Asia.