Nagpahayag ng buong pagsuporta sa pagtakbo sa pagka-pangulo ni VP Leni Robredo ang volleyball players mula sa Ateneo de Manila University.

Ilan sa mga kilalang volleyball athlete ay matapang na nagpahayag ng kanilang suporta kay Robredo nitong Huwebes, Marso 2.

Kabilang dito sina Alyssa Valdez, Jia Morado, Dennise Lazaro-Revilla, Jem Ferrer, at Ponggay Gaston.

Para kay Valdez, maasahan ang serbisyong nararapat sa mga Pilipino dahil tapat at maaasahan si Robredo.

Larawan: via Alyssa Valdez/FB

"Iboboto ko si Leni dahil sa lider na tapat, maasahan ang serbisyong nararapat sa bawat Pilipino," post ni Valdez sa kanyang social media accounts na may caption na #IbobotoKoSiLeni, #AngatBuhayLahat, #AthletesForLeni, #10RobredoForPresident, #KulayRosasAngBukas, at #LeniKiko2022.

Naniniwala naman si Morado na si Robredo ang tunay na lalaban para sa kanya, sa kanyang pamilya, at para sa mga Pilipino.

Larawan: via Jia Morado/Twt

Ani naman ni Lazaro-Revilla, "Iboboto ko si Leni Robredo dahil sa Gobyernong Tapat, uunahin ang serbisyo sa mamamayang Pilipino."

Hindi rin nagpahuli sa pagsuporta si Ferrer na naniniwala na ang "last man standing is a woman."

Magandang kinabukasan naman ang pinaniniwalaan ni Gaston kung mauupong pangulo si Robredo.

Aniya, "Iboboto ko si Leni Robredo dahil tunay na siya ang mabibigay pag-asa at magandang kinabukasan sa ating lahat."