Nagpahayag ng pagkabahala ang Department of Health (DOH) hinggil sa nagaganap na ‘overcrowding’ sa mga public utility vehicles (PUVs) sa mga lugar na nasa ilalim na ngpinakamaluwagna COVID-19 Alert Level 1.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, tila bumalik na ang bansa sa pre-pandemic stage kung saan ang mga PUVs ay nagsasakay ng mga pasahero na lampas sa kanilang 100% na kapasidad.
“Mukhang bumalik po tayo dun sa pre-pandemic kung saan beyond 100 percent capacity po ang nakikita natin sa mga sasakyan na pampubliko,” pahayag pa ni Vergeire.
Kaugnay nito, nagpaalala si Vergeire sa mga operators, mga lokal na pamahalaan at mgaahensyang pamahalaan na tiyaking walang magaganap na overcrowding ng mga pasahero sa PUVs dahil maaari magdulot ng panibagong pagtaas muli ng COVID-19 cases.
“Gusto lang naming magpaalala,lalung-lalo na sa mga operators, pati na rin po doon sa ating mga local governments at ating mga ahensya ng gobyerno na sana po let’s maintain ‘yung 100% capacity,” aniya pa.
Matatandang ang National Capital Region (NCR) at 38 pang lugar sa bansa ay kasalukuyan nang nasa ilalim ng Alert Level 1 hanggang sa Marso 15 dahil sa patuloy na paghusay ng COVID-19 situation sa mga naturang lugar.