Nakatanggap na ng Covid-19 booster shots ang 1,180 na persons deprived of liberty (PDLs) sa Bulacan Provincial Jail (BPJ) sa lungsod ng Malolos, ayon sa Provincial Health Office (PHO).

Ayon sa PHO, Pfizer at AstraZeneca vaccines ang ginamit sa booster roll out noong Pebrero 26.

Karamihan sa mga PDL ay nakatanggap ng kanilang una at pangalawang dose ng mga bakuna noong huling quarter ng 2021.

Sinabi ni Bulacan governor Daniel R. Fernando na lahat ng nasa lalawigan ay may karapatang maprotektahan laban sa Covid-19 at sisikapin ng lalawigan ang lahat upang mabigyan ng proteksyon ang lahat ng Bulakenyo sa pamamagitan ng pinaigting na programa sa pagbabakuna.

National

Ikinakasang rally ng INC kontra impeachment kay VP Sara, pinaghahandaan na ng MMDA

Ayon pa sa gobernador, kailangan ay ma-fully vaccinated at makatanggap ng booster ang mga Bulakenyos para maprotektahan sila laban sa Covid-19.

Nakatanggap din ang provincial government ng 1,700 na piraso ng hygiene kits para sa mga PDLs at 40 piraso ng cleaning kits para sa pasilidad ng BPJ mula sa Universal Health Care sa patuloy na kampanya nito laban sa Covid-19.

Freddie Velez