Nagpahayag ang batikang mamamahayag na si Karen Davila tungkol sa pangangailangang pumatol at sumagot sa mga "trolls" online.

Sa kanyang Twitter post nitong Huwebes, Marso 3, sinabi niyang minsan ay kailangan talagang pumatol at sumagot sa mga umano'y trolls.

"Minsan, kailangan talagang pumatol at sagutin. It’s harder to be a woman," ani Davila nang i-retweet niya ang isang balita tungkol sa pagpalag ni Vice President Leni Robredo sa isang akusasyon sa naganap na CNN Presidential debate.

"The more women stay silent, the more women are bullied - speaking from personal experience online," ayon pa kay Davila.

Ayon umano sa pag-aaral, mas "trolled" online ang mga kababaihan kaysa sa mga kalalakihan.

"Studies show women are more trolled online than men too. Fight back!" anang mamamahayag.

May kalakip din itong hashtag na #HappyWomensMonth dahil ngayong Marso ipinagdiriwang ang Women's Month.

Nitong Miyerkules, pinalagan ni Presidential candidate at Vice President Leni Robredo ang tinawag niyang “trolls” na nagsabing publicity stunt lang kanyang pagtanggal ng sapatos matapos ang isang presidential debate kamakailan.

“Pinagpipiyestahan pala ng trolls yung pag tanggal ko ng sapatos after the debate. PR stunt daw kasi election. Hindi naman yun first time. Kahit walang election, ginagawa ko yan ‘pag sumasakit paa ko,” saad ng Bise Presidente.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/03/02/nagalingan-kayo-robredo-pinalagan-ang-mga-akusasyon-sa-kamakailang-presl-debate/