May patutsada si senatorial aspirant Atty. Larry Gadon sa ilang pari ng Simbahang Katolika tungkol sa mga itinuturo umano nito sa mga kabataan.

Sa naganap na SMNI senatorial debate nitong Miyerkules, Marso 2, sa tanong na "How will you address the problem of children being used as scapegoats in the commission of grave crimes?" isa-isang sumagot ang mga dumalong senatorial candidates. 

Ayon kay Gadon, sinabi niyang sa halip na magturo ng leksyon sa mga bata ang simbahan, itinuturo raw umano nito ang tungkol sa anti-Marcos, anti-Martial law, at communism.

"Tama naman na responsibilidad ng mga magulang ang pagbigay ng values sa mga bata, pero ganun din ang Catholic church marami sa mga pari na sa halip na magturo ng leksyon sa mga bata, ang inaatupag nila ay yung mga anti-Marcos, anti-Martial law, at mga communism ang kanilang mga itinuturo. So dapat suwituhin din itong Catholic church," saad ni Gadon.

National

4.8-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Sur

"Wala na kayong ginawa kundi manira kay Marcos at kay Bongbong kung anu-anong mga kalokohang mga Martial law kayo, mga pari kayo dapat ituro niyo yung kagandahang asal hindi yang pamumulitika," dagdag pa niya. 

Umani ng palakpakan mula sa audience ang naging pahayag ni Gadon. 

Gayunman, wala pang pahayag ang Simbahang Katolika tungkol sa pasaring ng senatorial aspirant.

Noong 2016, tumakbong senador si Atty. Larry Gadon ngunit siya ay natalo. 

Ngayong 2022, muling tumatakbo bilang senador sa ilalim ng slate ng BBM-Sara UniTeam.