Umaabot na lamang sa 989 ang bagong kaso ng COVID-19 na naitala sa bansa nitong Huwebes, Marso 3.

Sa datos ng Department of Health (DOH), umabot na sa 3,664,905 ang kabuuang bilang ng kaso ng sakit sa bansa.

Nilinaw ng DOH na sa naturang bilang, 1.4% na lamang o 50,458 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman, kabilang dito ang 45,510 na nakararanas ng mild symptoms, 463 na asymptomatic cases, 2,773 na moderate cases, 1,415 na severe cases at 297 na critical cases.

Naitala rin ng ahensya ang 1,349 na pasyenteng gumaling sa sakit kaya umaabot na ngayon sa 3,557,909 ang total COVID-19 recoveries ng bansa o 97.1% ng total cases.

Nadagdagan din ng 34 ang bilang ng mga pasyenteng binawian ng buhay sa sakit kaya umabot na sa 56,538 ang kabuuang nasawi sa sakit sa bansa.