Wala umanong malasakit sa mga magsasaka ng tubo ang Sugar Regulatory Administration (SRA) na pinamumunuan niAdministrator Hermenegildo Seraficakaugnay ng plano nitong umangkat ng 200,000 metriko toneladang asukal ngayong taon.

Kinuwestiyon din Deputy Speaker Arnolfo Teves Jr. ang labis na pagtutuon ng pansin ng SRA sa sugar importation at ang pagbale-wala sa low-cost fertilizer at fuel imports.

Pinuna rin ng kongresista ang pahayag ni Serafica na hindi umano naiintindihan ng stakeholders ang mga bagay-bagay o intricacies sa sugar industry at ang pahayag nito na kinunsulta naman umano anglahat ng stakeholders tungkol sa importation program ng SRA.

“Hindi ko nakikita ang malasakit ng SRA sa planters natin at sa taong bayan. Of course, Pepsi, Nestle and Coke will be okay with importation because they are net buyers. They are not producers, they are not affected. They are even beneficiaries of low sugar prices, but actually it’s killing the poor people of Negros and other sugar-producing areas,” pahayag ni Teves.

National

Ex-Pres. Duterte sa mga kriminal sa Davao City: ‘Find another place!’

Ang iba't ibang stakeholders katulad ng Nestle Philippines, Pepsi Cola Products Philippines Inc. (PCPPI), Coca Cola Philippines ay nagpahayag ng suporta sa implementasyon ng sugar importation program sa ginanap na pagdinig.

Inusisa at kinuwestiyon naman niQuezon Rep. Wilfrido Mark Enverga ang SRA sa pagdinig kung ano ang posibleng maging epekto ng inisyu nitong Sugar Order No. 3 o ng Sugar Import Program for Crop Year 2021-2022.

Ang Sugar Order No. 3 aymagpapahintulotsa importasyon ng 200,000 metric tons ng refined sugar.

Nagpalabas na ng writ of preliminary injunction ang hukuman sa Sagay City sa Negros Occidental na nagpapahinto sa SRAsa planong importasyon ng asukalNauna nang inihayag niSerafica na ang mill gate prices ng asukal ay nagsimulang tumaas matapos manalasa ang Typhoon “Odette.”

Ipinaliwanag din ni Serafica na ang desisyon naumangkatng asukal ay ginawa bunsod ng kakulangan ng asukal, pagtaas ng presyo ng asukal, at ang mga rekomendasyon ng mga stakeholders.

Plano naman ng mga mambabatas na magdaos pa ng talakayan at pagdinig tungkol sa isyu at balak imbitahan ang mga sugar farmers na lumahok.