Sa isang pambihirang pagkakataon, nagsama-sama sa iisang litrato ang magkakaibigang biggest stars ng showbiz industry sa kasalukuyan na sina Angel Locsin, Angelica Panganiban, Dimples Romana, Bea Alonzo, at Anne Curtis na muling nagbabalik matapos ang hiatus dahil sa panganganak at pandemya.

Hindi ito pelikula o ano pa mang TV project (lalo't si Bea lamang ang Kapuso rito) kundi reunion lamang ng magkakaibigan.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Ibinahagi ni Angel ang kani-kanilang mga litrato kasama ang mister ni Angel na si Neil Arce, non-showbiz boyfriend ni Angge, at ang jowa ni Bea na si Dominic Roque.

"About last night ?," saad ni Angel sa caption.

"Cue “Do-Re-Mi” soundtrack…"

Nagkomento naman dito sina Angelica, Dimples, at Anne.

"Love you mars ?," sey ni Angelica.

"LOVE YOU MARS! Love you ladies!!! What a happy night!!!" wika naman ni Dimples.

"Missed you guys soooo much!!" saad naman ni Anne.

Marami naman sa mga tagahanga ng limang mahuhusay at sikat na aktres ang humiling na sana raw ay magkasama-sama sila sa iisang proyekto soon.

Hindi naman nabanggit ni Angel kung simpleng reunion lamang ba ito o may iba pang okasyon na kailangang ipagdiwang sa hanay ng magkakaibigan. Dalawa sa kanila ang hindi pa kasi kasal: sina Angelica at Bea.