Ang premyado at batikang aktres na si Sylvia Sanchez ang latest na sumalang sa panayam ni showbiz columnist Ogie Diaz na umere sa kaniyang YouTube channel noong Pebrero 24, 2022.

Isa sa mga naungkat ni Ogie ay tungkol sa relasyon ng anak ni Sylvia Sanchez na si Arjo Atayde kay Phenomenal Star Maine Mendoza, na talagang makasaysayan ang pagsikat bilang 'Yaya Dub' sa Kalyeserye ng 'Eat Bulaga', katambal si Asia's Multimedia Star Alden Richards. Sumikat nang husto ang tambalan nilang 'AlDub'.

Pag-amin ni Ibyang, katakot-takot na batikos daw ang inabot nila dahil sa relasyon nina Arjo at Maine. Kumakalat pa ang mga chika na ginagamit lamang daw ng anak niya ang kasikatan ng actress-TV host-endorser, lalo na ngayon na sasabak na sa politika ang anak.

Pero pinagkikibit-balikat na lamang daw ito ni Sylvia. Tinatawanan na lamang. Hindi naman daw ito totoo.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

“Actually, hindi pa tumatakbo si Arjo, binato na 'yan sa anak ko eh. Pinagtawanan na lang ng anak ko 'yun eh. Pati nga ako, ginagamit ko raw si Maine dahil wala raw kaming mga career. Hindi raw kami sikat,” sey ni Sylvia.

Ito pa, ang sabi raw ng bashers, milyones lang daw ang habol ni Arjo kay Maine, lalo't bago pa man sumabak sa showbiz ang dalaga, eh rich kid na talaga ito! Mas dumoble o triple pa dahil sa kaliwa't kanang endorsements sa mga naglalakihang kompanya, lalo na noong kasagsagan nga ng kasikatan ng AlDub.

Ispluk ni Sylvia, si Maine na raw ang nahiya sa kanila at ito na rin ang personal na humingi ng dispensa sa mga pinagsasabi ng bashers laban sa pamilya Atayde.

“Alam mo mare, sa totoo lang, hiyang-hiya si Maine. Nagso-sorry, sabi niya, ‘Tita, I’m sorry.’ Kasi 'yun nga, sinasabi na ginagamit.

“Ang habol daw namin kay Maine yung milyon niya, yung pera niya, yung McDo niya. Yung ganun na paninira.”

“Okay lang sa amin kasi alam naman ni Maine ang katotohanan. Si Maine nga, ‘Tita, I’m sorry. Hiyang-hiya ako.’ Sinasabi ko… ‘Maine, hindi ikaw ang namba-bash, hindi ikaw ang naninira. At hindi ganoon ang paniniwala mo sa amin. So okay na kami dun, masaya na kami.’ Ang importante si Maine at si Arjo at ang pamilya ni Maine at kami,” sey pa ni Sylvia.

Pagtatanggol naman ni Ogie, mayaman din naman ang pamilyang Atayde, no!

At ngayong tumatakbo nga si Arjo bilang district representative sa Quezon City, hangga't maari daw ay hindi na niya isinasama si Maine para maprotektahan ito. Iwas na rin ang aktor na bibida sa 'The Cattleya Killer' na masabihan na naman sila ng kung ano-ano at maungkat na naman ang 'gamitan' issue.