Tila "no chill" ang vice presidential candidate na si Walden Bello ngayong araw sa paggunita ng ika-36 na anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Sa kanyang Twitter post, niretweet niya ang isang larawan na gawa ng isang Twitter user. 

Makikita sa larawan ang isang lalaki na kahawig ni Bello at ito ay naka-f*ck y*u sign at may katagang "F*ck y*u, Marcos!"

"In the spirit of the holiday, I offer: Fuck you, Imelda, Imee, and most of all, fuck you Marcos Sr. and Jr.!" ani Bello sa kanyang caption.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ginawa rin niya itong display picture sa Twitter.

Si Walden Bello ay running mate ni presidential aspirant Ka Leody de Guzman at chairperson ng Laban ng Masa. 

Ang EDSA People Power Revolution o kilala bilang “Bloodless Revolution” ay ginugunita ngayong araw kung saan milyun-milyong Pilipino ang matapang na nagtipon sa Epifanio de los Santos Avenue (EDSA) at nagsagawa ng protesta na kalauna’y nagtapos sa 21-taong diktadurya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Ngayon ay tumatakbong pangulo ang anak ni Marcos Sr. na si Bongbong Marcos Jr.