Inaresto ng pulisya ang isang pinaghihinalaang big-time drug pusher matapos umanong masamsaman ng₱1milyong halaga ng iligal na droga saikinasangbuy-bust operation sa Caloocan City nitong Huwebes ng gabi.

Sa report na nakarating kay Northern Police District (NPD) Director Brig. Gen. Jose Hidalgo, kinilala ang suspek na si Nasser Kamensa, 23, taga-Phase 6, Package 2, Brgy. 178, Camarin ng naturang lungsod.

Sa pahayag ni City Police chief, Col. Samuel Mina. Jr., dinakip si Kamensa sa isinagawang anti-illegal drug operation sa North Elementary Road, Barangay 178 dakong 6:50 ng gabi.

Isa sa mga pulis ang binentahan umano ng suspek ng 150 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng₱1 milyon.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Nakapiit na si Kamensa at nahaharapito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).