Nakaambang magtaas ng matrikula ang mga pribadong paaralan sa darating na pasukan para umano sa suweldo ng mga guro, ayon sa isang grupo ng mga pribadong paaralan sa bansa.

Paliwanag niCoordinating Council of Private Educational Associations of the Philippines (COCOPEA) managing director Noel Estrada, bukod sa mga guro ay gagamitin din ang dagdag na tuition sa sahod ng mga kawani ng eskuwelahanat pagsasaayos sa mga gusali nito bilang paghahanda sa limited face-to-face classes.

“Yung increase ng tuition, ang batas ay mayroong requirement para diyan, kung anumang mokolektang eskwelahan dapat 70 percent ay ipamahagi sa kanilang mga teachers at school personnel at yung 20 percent ay mapupunta sa facilities.So,maycontrol na doon, hindi ito magiging kita ng eskwelahan,” pagtatanggol ni Estrada sa isang television interview.

“So karamihan talaga, kung meron mang magtataas, ay ang tinitingnan talaga doon ay 'yong support sa ating mga teachers at school personnel. At the same time 'yung sa facilities ‘no, paanong gagawin natin when we transition to limited face-to-face,” banggit nito.

National

Apollo Quiboloy, naghain ng COC sa pagkasenador: ‘Dahil sa Diyos at Pilipinas’

"Pag tiningnan natin, magsisimula na 'yung limited face-to-face, siyempre maraming ibang gatsusin din--halimbawa 'yung testing ‘no, testing ng mga ‘di nagpabakuna pero kailangan silang magreport sa school, 'yung mga teachers, 'yung mga school personnel natin."

"Alam naman natin din 'yung mga requirements ngayon ‘no, for safety at mga health protocols. 'Yung ating pagretrofit ng ating mga eskwelahan, siyempre karagdagang gastusin din 'yun," ani Estrada.

"Pangalawa, dahil nga bumaba 'yung enrollment, eh konti na lang din 'yung mga nagshi-share sa overall operating expenses ng mga schools kaya talagang minsan hindi maiwasan na, kung sino 'yung maiiwan, sila talaga 'yung maghahati-hati," lahad pa ni Estrada.

Matatandaang pinalawig pa ngDepartment of Education (DepEd) ang application at consultation period sa mga pribadong eskwelahan na nais magtaas ng kanilang matrikula at iba pang school fees sa darating na pasukan.

Babala pa ng DepEd, dapat munang konsultahin din ng mga pribadong paaralan ang mga magulang kaugnay ng usapin.