Naging 'pulutan' ng chikahan nina Ogie Diaz, Mama Loi, at Ate Mrena sa entertainment vlog na 'Ogie Diaz Showbiz Update' ang ginawang pa-flex ni Jake Zyrus (dating Charice Pempengco) sa kaniyang 'bagong katawan' na sumailalim sa transition upang 'palayain na ang kaniyang sarili'.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/19/jake-zyrus-pinalaya-ang-sarili-transition-ng-katawan-nilantad-sa-social-media/

“Pinag-isipan kong maigi kung ipo-post ko ba ‘to. Kasi lagi kong iniisip kung anong sasabihin ng ibang tao. Sa ilang taon na nag-transition ako, masaya ako sa naging takbo ng buhay ko, pero lagi parin akong nai-insecure sa katawan ko. Siguro dahil na rin sa standard ng karamihan,” mababasa sa caption ni Jake sa isang mahabang post sa Instagram at Facebook.

“Hindi ako humihingi ng opinyon. Para ito sa mga kapwa ko transgender. Kung naghahanap kayo ng sign o confidence para ipakita at maging proud sa kung sino ka, tara sasabayan kita. Para sayo to,” aniya pa.

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

Sey naman ni Ogie Diaz, "Alam mo Jake, sa puntong ito ng buhay mo ay wala ka nang dapat pang patunayan," aniya.

Saad naman ni Mama Loi, hati raw ang saloobin ng mga tao sa transition ni Jake: may mga masaya at suportado sa kaniyang desisyon at may mga tao pa ring nakikita pa rin umano si Charice at binabasahan pa ng bible verses ito. Pero para kay Ogie, ang mahalaga raw ay masaya si Jake sa estado ng pamumuhay niya ngayon.

Maya-maya, sumundot naman ng tanong si Mama Loi kay Ogie. Posible raw bang makapanayam ni Ogie si Jake? Dito na naungkat ang di pagkakaunawaan noon sa pagitan ng showbiz columnist at international singer, noong 'Charice' pa si Jake.

Naisulat kasi ni Ogie noon na may napapansin daw siya kay Charice, na parang manly na itong gumalaw o pinaghihinalaang lesbian. Bago kasi umamin si Jake noon sa tunay niyang gender identity ay nag-iba ito ng imahe.

Kung ano-ano raw ang naitawag ng kampo ni Charice dahil doon. 'Binembang' talaga raw siya nang husto. Na di naglaon ay may katotohanan naman daw pala.

"Oh tingnan mo ngayon ang ending, topless na siya ngayon," biro pa ni Ogie.

Pero sa true lang daw, bet na bet ni Ogie na makaharap at makapanayam sa kaniyang entertainment vlog si Jake Zyrus, dahil ang nakabanggaan naman daw niya dati ay si Charice Pempengco.

"Ibaon na natin sa limot ang nakaraan, kasi si Charice naman 'yun, ito naman si Jake," giit pa ni Ogie. To be honest daw ay namimiss ni Ogie ang golden voice at pagiging belter ni Charice na nagpahanga hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.

Samantala, wala pang tugon si Jake Zyrus kung pauunlakan ba niya ang panayam na panawagan sa kaniya ni Ogie.