Binura ni actress-beauty queen Ruffa Gutierrez ang kaniyang Instagram post kasama si senatorial candidate Antonio Trillanes IV.

Ayon sa caption ng IG post ni Ruffa, mukhang kinansela pa ni Trillanes ang mga appointments nito para makipagkita kay Ruffa. Pinabulaanan din ng beauty queen ang mga haka-haka na hindi ngumingiti ang dating senador.

“Thank you for dropping everything and moving your appointments just to meet me Senator @ trillanessonny. It’s not true that he doesn’t smile. He was smiling the whole time,” ayon pa kay Ruffa.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ruffa Gutierrez at dating senador Antonio Trillanes IV (Screengrab mula sa IG)

Ibinahagi pa ni Ruffa sa kaniyang IG story ang video clip ng chikahan nila ni Trillanes tungkol sa pagiging beauty queen nito.

Subalit habang isinusulat ang balitang ito ay burado na ang naturang mga IG posts dahil daw sa 'komosyon' na naidulot nito. May mga umintriga kasi kung bakit dinalaw at nakipagkita ang dating senador kay Ruffa. Humingi rin umano ng dispensa ang isa sa mga hurado ngayon ng 'Sexy Babe' sa 'It's Showtime' kay Trillanes.

"To everyone asking what happened to my earlier post… I'm very sorry I had to take it down. My sincere apologies."

"I didn't realize it would create quite a commotion. Pasensya na po @trillanessonny at sa lahat," saad sa text caption ng litrato nila na ibinahagi sa IG story.

Ruffa Gutierrez at dating senador Antonio Trillanes IV (Screengrab mula sa IG)