Umabot na sa kabuuang 11,136 na mga batang edad lima hanggang 11-taong gulang ang naturukan na ng bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) ayon sa Las Piñas City government nitong Lunes, Pebrero 21.

Ayon sa Las Piñas City Health Office (LPCHO) na ang naturang bilang ng nasabing mga bata ay naturukan ng first dose kontra COVID-19 na patunay na tinatangkilik ang toy carnival at Safari inspired vaccination para sa nasabing age group sa lungsod.

Kaugnay nito, binisitang muli ni Vice Mayor April Aguilar ang mga vaccination sites para sa mga kabataan upang masiguro ang maayos na pagbabakuna sa mga ito.

Siniguro ng bise-alkalde at personal na namahagi ng mga animal balloons sa mga bata upang makapagbigay ng aliw sa mga ito habang naghihintay na  mabakunahan.

National

4.8-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Sur

Bukod dito, namigay din ang Pamahalaang Lokal ng mga candy bags at mga twisted balloons.

Pinuri at pinasalamatan din ni Vice- Mayor Aguilar ang mga medical frontliners para sa kanilang serbisyo at pamamaraan sa mga bakunahan para sa maayos na sistema sa vaccination roll-out sa lungsod.

Panawagan pa nito na panatilihin ang pagiging “child-friendly” upang mas makahikayat pa at mapabilis ang pag-abot sa bilang ng target na mabakunahan.

Bella Gamotea