Para kay Presidential aspirant Senador Panfilo Lacson nitong Lunes, Peb. 21, dapat na panagutin at parusahan ang mga kontratista at tagapagtaguyod ng road projects na madaling lumubog dahil bilyun-bilyong piso sa pondo ng mga nagbabayad ng buwis na Pilipino ang nasasayang sa preventive maintenance para sa mga kalsadang pabogat pa sa halip na mapaluwag ang daloy ng transportasyon at komersyo sa buong bansa.

Nagbigay ng babala sina Lacson at running mate nito na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III matapos silang dumaan sa ilang sementado ngunit lubak na mga kalsada sa kanilang sorties sa hilagang Luzon noong weekend.

“Dapat habulin. Kasi gastos tayo nang gastos tapos sira kaagad. Tapos sa susunod na taon, ito na naman [budget] appropriation na naman,’’ ayon kay Lacson matapos marating ng kanilang convoy ang Sta. Rosa, Nueva Ecija kasunod ng kanilang campaign sortie sa Baguio City at Urdaneta City in Pangasinan.

Napansin ng tatlong terminong senador na ang mga gastos sa pagpapanatili ng kalsada sa buong bansa ay kadalasang umaabot sa daan-daang bilyong piso, kung saan ang mga kalsada ay dapat na idinisenyo upang tumagal.

National

Bong Go, pinagtanggol si Ex-Pres. Duterte hinggil sa drug war: ‘Hindi ba kayo nakinabang?’

“Minsan after six months ‘pag ulan ganyan na [sira-sira],” dagdag ni Lacson.

Noong Linggo, ang Lacson-Sotto tandem at ang mga senatorial candidate ng Partido Reporma sa pangunguna ni Agriculture Secretary Emmanuel ‘Manny’ Piñol ay nagtungo sa Urdaneta mula sa dalawang araw na pananatili sa Baguio upang magsagawa ng dayalogo sa mga tricycle driver at operator. Nagtungo ang grupo sa Sta. Rosa upang sumangguni sa mga magsasaka.

Sa kanilang paglalakbay, nakita at naramdaman mismo ni Lacson kung paano tumatalbog ang kanilang mga sasakyan sa mga substandard na kalsada na tila gawa sa mababang materyales, at maaaring suriin sa pamamagitan ng post-project audits at simpleng pagbutas ng mga lubak na bahagi ng kalsada.

Mario Casayuran