Usap-usapan sa social media ang pagkanta ng singer at actress na si Roselle Nava sa ginanap na BBM-Sara proclamation rally sa Caloocan noong Sabado, Pebrero 19.

screenshot sa FB live ni Mayor Malapitan

Isinagawa ang rally sa Villa Alessandra, Malaria, Brgy. 185, Caloocan na pinangunahan ni Mayor Oscar "Oca" Malapitan at mayoral candidate Cong. Along Malapitan.

Inawit ni Roselle ang kantang "Umagang Kay Ganda," na minsan na ring narinig sa TV ads ng Marcos-Duterte tandem, at ang sikat nitong awitin na "Bakit Nga Ba Mahal Kita."

Gayunman, pagkatapos kumanta, wala naman itong binanggit tungkol sa pagsuporta sa BBM-Sara tandem.

Nagsilbing host naman ang TV actress na si Diane Medina. Wala rin itong post o pahayag sa kanyang social media accounts tungkol sa pagsuporta niya sa UniTeam.

screenshot sa FB live ni Mayor Malapitan

Samantala, trending topic sa Twitter si Roselle Nava dahil sa pagkanta niya sa proclamation rally.

screenshot sa Twitter