Nakilala na ng mga awtoridad ang apat na namatay sa sunog sa Sta. Cruz, Maynila nitong Linggo ng umaga, na kinabibilangan ng isang menor de edad at isang buntis.

Sa ulat ng Alvarez Police Community Precinct (PCP) ng Manila Police District, nakilala ang apat na sina Denise Cadag, 15; Rina Mae Hernandez, 21, na isa umanong buntis; isang alyas John Kazim, na nasa hustong gulang at isang Jasmine Usman, 57.

Ang isa naman sa limang nasugatan ay nakilalang si Jimmy Canillas, isang guwardiya at asawa umano ni Hernandez.Si Canillas ay kasalukuyang nakaratay sa Jose R. Reyes Memorial Medical Center.

Sa paunang imbestigasyon ni FO2 Axel Ramos ng Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-9:45 ng umaga nang magsimulang sumiklab ang isang bahay sa M. Natividad St,. malapit sa kanto ng Mayhaligue Street.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Naitaasang sunog sa ikalawang alarma bago tuluyang naideklarang under control dakong alas-10:13 ng umaga at tuluyang naapula dakong alas-10:26 ng umaga.

Inaalam pa rin naman ng mga awtoridad ang sanhi ng insidente, gayundin ang halaga ng natupok.

Mary Ann Santiago