Tila hindi nae-excite ang talent manager na si Manay Lolit Solis sa mga showbiz ganap ngayon. Sey niya, dahil ito sa kawalan ng bagong project at serye na ginagawa ang mga artista ngayon.

Sa isang Instagram post nitong Biyernes, Pebrero 18, nagbahagi ng saloobin ang showbiz columnist sa tila walang kalatuy-latoy na lang na mga entertainment news ngayon.

“Hindi mo ba napansin Salve na ang mga balita ngayon tungkol sa showbiz parang walang excitement dahil nga sa mga walang bagong project o serye na ginagawa. Iyon binatukan ni Joshua Garcia si Yassi Pressman, iyon , iyon nasa maliit na bahay na lang nakatira si Angeline Quinto, mga kung anu ano na lang dahil nga parang walang excitement na nagaganap,” mababasa sa caption ni Lolit sa larawan ng isang tabloid na naglalaman ng laste chika noong Biyernes.

Aniya, exciting na ang balitang nabawasan ang timbang ni Megastar Sharon Cuneta, ang pagbabalik showbiz ni Anne Curtis at ang kasalang Vice at Ion kamakailan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Basahin: Anne Curtis, magbabalik-showbiz na matapos mamahinga ng 2 taon – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Kasunod na ibinahagi ni Lolit na mahalaga pa rin ang role ng mga tabloid paper dahil “sa panahon ngayon, para banag lahat ay essential.

"Saka in fairness, credible ang mga showbiz writers ni Salve kaya alam mo na una sa balita at walang fake news. At sabi nga ni Mr Fu, sa halagang very fair sa trabaho," sey pa ni Lolit sa kanyang team para sa isang tabloid entertainment section na may "clean at fair reporting."