Nagbunga na ang pinaghirapan ng actress at YouTube vlogger na si Kristel Fulgar dahil nakapagpatayo na siya ng sarili niyang bahay.

Sa kanyang vlog, ibinahagi ng aktres ang kanyang journey sa pagpapatayo ng bahay mula sa construction, ilang site visits, pamimili ng gamit, at hanggang sa makalipat siya.

Hindi makapaniwala ang 27-year-old na aktres na sa ganung edad ay nakapagpatayo na siya na sarili niyang bahay.

"Finally, nakikita ko na yung mga bagay na napundar ko," ani Kristel.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Aware siya na hindi panghabang buhay ang showbiz. Kaya't nagpursige siyang makapagtapos ng pag-aaral para mayroon siyang trabaho kahit hindi na siya artista.

Bago maging YouTube vlogger, bata pa lamang siya ay nagtatrabaho na siya. Nakilala siya noon sa programang Goin' Bulilit ng ABS-CBN. Nakikita rin siya sa ilang mga teleserye at pelikula.

Bukod dito, nakilala din si Kristel dahil sa mga kino-cover niyang mga kanta na inuupload niya sa kanyang isa pang YouTube channel.

Kwento pa ni Kristel, nais niyang ipapanuod ang vlog para mainspire niya ang kanyang mga future kids na maging masipag at magkaroon ng pangarap sa buhay.

"Gusto kong ipapanood sa kanila ito para makita nila kung ano yung mga pinaghirapan ko sa buhay, na simula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaki, pinaghirapan ko," sey niya.

Saad din niya na hindi niya makukuha lahat ng mayroon siya ngayon kung hindi dahil sa Diyos.

"Alam ko hindi ko makukuha lahat ng bagay na mayroon ako ngayon kung hindi dahil sa tulong ng Ama. Sobrang dami niyang blessings na binibigay sa'kin as in. Nagpapasalamat ako kasi hindi niya ako iniwan. Hindi niya ako binibigyan ng malaking problema na hindi ko kayang lagpasan."

">